Inihayag ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magbubukas sila ng mas maraming appointment slots para sa passport application sa Consular Offices at Temporary Off-Site Passport Service upang matugunan ang problema ng bocklog sa Passport
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, magbubukas aniya ang Appointment Slots sa tatlumpu’t anim na Consular Offices at 20 Temporary Off-Site Passport Service sites hanggang sa buwan ng Setyembre 2022.
Paliwanag ni Dulay na layon umano ng pagbubukas ay upang magkakaroon ng karagdagang slots upang maibsan ang backlog sa passport.
Hinikayat ni Dulay ang publiko na huwag ng magpatumpik-tumpik pa at agad na mag-apply dahil ngayong buwan pa lang ay available na ang slots.
Matatandaan na una nang pinahintulutan ng DFA ang Muslim applicants na i-proseso ang kanilang mga passport sa DFA courtesy lane mula May 23 hanggang June 3 ng kasalukuyang taon.