
Umabot sa 35,364 na pamilya o 129,710 indibidwal mula sa walong local government units (LGUs) sa lalawigan ng Negros Occidental ang naapektuhan ng Bagyong Wilma.
Sa tala ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng naturang lalawigan, 87 na pamilya o 225 indibidwal ang apektado sa bayan ng EB Magalona na nasa 3rd District.
Sa 4th District naman, 9,456 na pamilya o 30,072 indibidwal ang apektado mula sa mga bayan ng San Enrique, Pontevedra, at Lacarlota City.
Sa 5th District naman, mayroong 25,821 na pamilya o 99,413 indibidwal mula sa 47 na barangay ang apektado.
Facebook Comments









