Aabot sa mahigit 30 mga lugar ang binuksan para gamiting evacuation center sa District 6 sa Quezon City dahil sa inaasahang paglakas ng ulan at pagbaha mamayang gabi dulot ng Bagyong Tisoy.
Ayon kay Quezon City Rep. Kit Belmonte, inihanda na nila ang mga covered courts, mga eskwelahan, barangay hall at compound na gagamiting evacuation centers.
Inaasahan kasi na mamayang gabi ay mas lalakas pa ang buhos ng ulan.
Hinihikayat na rin nila ang mga residente sa sampung barangay sa distrito na lumikas na habang maaga pa at wala pang pagbaha.
Tiniyak naman ni Belmonte ang kahandaan ng kanyang distrito sa bagyo partikular sa relief at iba pang tulong sa mga pamilyang maapektuhan ng kalamidad.
Facebook Comments