Mahigit 30-M doses ng COVID-19 vaccines, nasayang!

Aabot sa 31.3 million doses ng COVID-19 vaccines ang nasayang o hindi nagamit.

Ito ang lumabas sa pagtatanong ni Senator Risa Hontiveros tungkol sa mga bakuna kontra COVID-19 sa gitna ng pagtalakay sa pondo ng Department of Health (DOH).

Sa estimated na P500 sa bawat dose, tinatayang nasa P15.6 billion pesos ang halaga ng vaccine wastage.


Ayon kay Senator Pia Cayetano na siyang nagdepensa ng budget ng DOH sa plenaryo, ang nasabing halaga ay estimate lang dahil hindi nila masabi ang eksaktong presyo ng mga bakuna bunsod na rin ng Non-Disclosure Agreement.

Aniya pa, ang nasayang na bakuna ay 12% ng kabuuang bilang ng mga bakuna na natanggap ng bansa na nasa 250.38 million doses.

Sa kabila nito, ang mga nasayang na bakuna ay pasok pa rin sa allowable wastage ng bakuna na itinatakda ng World Health Organization (WHO) mula sa 10% na itinaas sa 30% dahil nakita na maraming bansa ang nasasayangan ng bakuna at isa sa dahilan ang vaccine hesitancy.

Umapela naman si Hontiveros na magsilbi itong leksyon at pagbutihin ang pag-aalok ng bakuna upang walang pondong masasayang.

Facebook Comments