Mahigit 30-M na fully vaccinated, hindi na bumalik para sa booster shot

Tinatayang nasa 30 million na mga indibidwal na nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 ang hindi na bumalik para sa booster shot.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa, mula sa 65 million na fully vaccinated nasa 11 million pa lamang ang naturukan ng booster shot.

Aniya, isa sa mga dahilan ay ang pag-aakalang hindi na kailangan ng booster shot dahil nasa Alert Level 1 na ang karamihan sa mga lugar sa bansa.


Sa kabila nito ay gumagawa naman ng paraan ang pamahalaan upang mas mapadali ang pagkuha ng booster shot katulad ng paglalagay ng mga vaccination site sa mall, botika, terminal, at mga klinika.

Facebook Comments