Mahigit 30 milyong bakuna kontra COVID-19, naiturok na sa Pilipinas – Galvez

Umabot na sa 30,693,019 ang naiturok na bakuna sa mga Pilipino bilang panlaban sa COVID-19.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., as of August 23; 17,495,330 sa mga ito ang nakatanggap ng unang dose habang 13,197,689 ang nakatanggap ng ikalawang doses o yung mga fully vaccinated.

Ikinokonsidera naman itong 17.11% ng target na 70% populasyon ng bansa na kailangang mabakunahan at 11.98% ng 12% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.


Sa ngayon, umabot na sa 444,042 ang averaged vaccine jabs kada araw kung saan 1,684 ang nadagdag sa mga vaccination center sa buong bansa.

Facebook Comments