Mahigit 30% na target mabakunahan, fully vaccinated na sa Makati City

Pumalo na sa mahigit 160,000 indibidwal ang nakakumpleto na sa pangalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19 sa lungsod ng Makati.

Base sa Makati City Web Portal ang naturang bilang ay katumbas ng 35% ng target na mabakunahan dito na nasa mahigit 437,000 indibidwal na nabakunahan na.

Paliwanag ng Makati Local Government Unit (LGU) nasa 67 percent naman ang target na mabakunahan ng first dose kung saan ay ipagpatutuloy pa ngayong araw ang bakunahan kontra COVID-19 sa 8 vaccination centers sa Makati City.


Hinimok naman ng Makati City government ang mga residente ng lungsod na huwag nang antayin pang matamaan ng Delta variant ng COVID-19 bago magpasyang magpabakuna.

Facebook Comments