Mahigit 30, patay sa banggaan ng dalawang tren sa Egypt

Patay ang 32 katao habang sugatan ang 84 sa banggaan ng dalawang tren sa Tahta district, Sohag Upper Egypt.

Base inisyal na imbestigasyon, mula sa Aswan patungong Cairo ang train ng tumama sa likod ng isang train na mula sa Luxor patungong Alexandria.

Tiniyak naman ni Egyptian President Abdel Fattah el-Sisi na kaniyang papanagutin ang sinumang nasa likod ng aksidente.


Iginiit naman ni Prime Minister Mostafa Madbouly na hindi niya papalampasin ang pangyayari at dapat na may managot sa aksidente.

Facebook Comments