Mahigit 30 patay sa pagtama ng 8.1 magnitude na lindol sa Mexico

Mexico – Umabot na sa 32 ang nasawi matapos tumama ang 8.1 magnitude na lindol sa Mexico.

Ayon kay Oaxaca Governor Alejandro Murat, nakapagtala sa lugar ng 23 nasawi kung saan 17 sa mga ito mula sa bayan ng Juchitan.

Kinumpirma naman ng tagapagsalita ng emergency services na 7 naman ang nasawi sa state of Chiapas.


Habang sinabi ni Tabasco Governor Arturo Nunez na dalawang bata ang nasawi sa kanilang lugar.

Samantala, nakapagtala na ng tsunami sa pacific coast ng Mexico matapos ang malakas na lindol.

Ayon sa Pacific Tsunami Warning Center, umabot sa 1 meter o 3.3 feet ang naitalang taas ng alon sa Salina Cruz.

Mas maliliit na tsunami waves naman ang naitala sa iba pang mga lugar.

Facebook Comments