Mahigit 30 pesos na dagdag sa LPG, sumalubong sa pagpasok ng “ber” month

Manila, Philippines – Mahigit dalawang pisong dagdag presyo sa Liquefied Petroleum Gas o LPG ang ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa pagpasok ng ber months.

Simula kaninang alas dose ng madaling araw nagpatupad ang petron ng dagdag na P2.74 sa bawat kilo ng kanilang LPG.

Katumbas ito ng P30.14 na pagtaas sa bawat 11-kilogram cylinder.


May dagdag din ang petron na P1.53 sa bawat litro ng kanilang auto LPG.

Ang dagdag presyo ay kasunod ng paggalaw ng halaga ng langis sa world market.

Facebook Comments