Mahigit 30 Stall Owners, Apektado sa Road Clearing Operations ng LGU Ilagan!

*Cauayan City, Isabela- *Bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa road clearing operations ay agad na ipinatupad ni Mayor Jay Diaz ang pagbabaklas sa mga sagabal sa mga lansangan sa Lungsod ng Ilagan.

Matatandaan na una nang sinuyod at pinakiusapan ang mga illegal settlers sa Barangay San Vicente sa likurang bahagi ng Cityhall na agad namang tumalima para sa clearing operations.

Ang mga nakatira sa naturang lugar ay agad na inilipat sa mas maganda at maayos na lokasyon na may libreng bahay at lupa sa likurang bahagi ng kapitolyo.


Ngayon ay sinuyod ang mga sidewalk vendor na nasa bahagi ng lansangan sa tapat ng Isabela State University o ISU Ilagan Campus upang magkaroon ng mas maayos na kalsada para sa maluwag na daloy ng trapiko.

Ang mga binakbak na stalls naman ay pansamantala munang ililipat sa old provincial jail para tuloy ang kanilang negosyo o hanapbuhay.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay GSO Ricky Laggui ay kusang lumikas ang mga may-ari ng stalls at tumulong pa sila sa pagkukumpuni upang mapadali ang kanilang paglipat.

Nabigyan naman ng cash na P10,000.00 ang mga naapektuhang negosyante sa clearing operations nula kay Mayor Diaz para sa kanilang panimula at pandagdag sa kanilang negosyo.

Facebook Comments