Mahigit 30 tricycle, na-impound sa Maynila dahil sa mga paglabag

Patuloy ang operasyon ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa iba’t ibang kalsada sa lungsod upang hulihin ang mga tricycle at pedicab drivers na lumalabag sa balik-pasada guidelines.

Dahil dito ay kabuuang 31 na tricycle ang na-impound sa Maynila dahil sa iba’t ibang paglabag.

Kinabibilangan ito ng hindi paglalagay ng barrier, pagmamaneho ng walang lisensya at paniningil ng sobra sa nakatakdang pamasahe.


Nais ipaalala ng MTPB na ang fare rate ay P20 sa unang kilometro at P5 dagdag sa kada kalahating kilometro.

Kaugnay nito ay pinapayuhan ng MTPB ang publiko na kung mayroong sobrang paniningil, pangongontra, hindi pagsusuot ng face mask o anumang pang-aabuso ng drvier ay kunin ang body number, TODA/PODA na kinabibilangan at agad itong isumbong sa kanilang tanggapan.

Facebook Comments