Mahigit 300 bilang ng mga aftershocks, naitala ng PHIVOLCS matapos ang 6.0 magnitude na lindol sa Davao de Oro

Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na kaninang alas-8:00 ng umaga ay nakapagtala na ng 345 mga aftershocks ang PHIVOLCS sa bahagi ng Davao Region.

Ito ay kasunod a rin ng magnitude 6 na lindol na naramdaman sa silangang bahagi ng Compostela Davao de Oro kagabi.

Pero ayon sa PHIVOLCS, mahihina lamang ang mga pagyanig at isa lamang sa bilang na ito ang naramdaman habang 29 ang plotted.


Bago mag alas-7:00 ng gabi kagabi nang yanigin ng lindol ang silangang bahagi ng Compostela, Davao de Oro.

Sa report ng PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol na natukoy sa ilalim na 28 kilometro.

Paliwanag ng PHIVOLCS ang Philippine Fault ang gumalaw na naramdaman sa malaking bahagi ng Mindanao Region.

Facebook Comments