Mahigit 300 bilyong piso, nawalang kita sa bansa dahil sa fuel at petroleum smuggling; “Task Force Paihi”, pinabubuo sa BOC at BIR para matigil na ang pagpupuslit ng mga produktong petrolyo

Bilyung-bilyong piso ang nawalang kita sa pamahalaan dahil sa smuggling ng mga produktong petrolyo.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, napag-alaman na mula 2010 hanggang 2019 ay aabot sa P357 billion ang lugi ng bansa dahil sa mga ipinupuslit na petroleum products papasok ng bansa.

Tinukoy pa ni Salceda na base sa datos ng United Nations Conference on Trade and Development, mula 2010 hanggang 2017 ay sumirit pataas ang smuggled fuel.


Bumaba lamang ang naitalang smuggling ng fuel noong 2018 nang magpatupad ng bagong fuel marking sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, pero tumaas ang foregone revenue bunsod na rin ng ipinatupad naman na bagong excise tax ng nasabing batas.

Dahil dito, umaapela si Salceda sa Department of Finance na bumuo ng “Task Force Paihi” na ipatutupad ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na siyang lalaban sa paglipana ng fuel smuggling.

Hinala ni Salceda, iligal na naipapasok sa bansa ang mga smuggled na produktong petrolyo sa pamamagitan ng mga freeport zones na maluwag ang fuel marking at hindi sakop ng BOC gayundin sa mga customs bonded warehouses.

Facebook Comments