Mahigit 300 DILG contact tracers sa Valenzuela City, nakatanggap ng gift pack mula sa local government

Nakatanggap ang mga contact tracers ng lungsod ng pamaskong handog mula sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela City at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Valenzuela.

Aabot sa 357 DILG contact tracers ng lungsod ang nabigyan ng gift packs.

Naglalaman ang bawat gift packs ng noche buena items na panghanda ngayong Pasko.


Bukod dito, nakatanggap din ang mga contact tracers ng sanitary bag na naglalaman ng mga COVID-19 essentials tulad ng gloves, disinfectants, paracetamol at thermometer gun na magagamit sa kanilang on-the-ground contact tracing sa bawat barangay.

Facebook Comments