Rizal – Mahigit 300 ektarya ng fishpens ang binaklas sa Laguna De Bay na sakop ng Binangonan, Rizal.
Ayon sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) – 15 kompanya ang nagkusang gibain ang kanilang mga fishpen na ngayo’y nasa 25 ektarya na lang.
Una nang giniba ng LLDA ang nasa 40 ektaryang fishpens sa Biñan, Laguna at Muntinlupa City.
Ang hakbang na ito ng Department of Environment and Natural Resources ay bahagi pa rin ng utos ni Pangulong Duterte na alisin ang mga iligal na struktura sa Laguna De Bay para mas mapakinabangan ng maliliit na mangingisda.
Facebook Comments