Manila, Philippines – Umabot sa pitongpu’t walong pamilya o katumbas ng tatlong daan at limang indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Ramil.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) namonitor nila ang mga apektadong pamilya sa Vinzons at Mercedez Camarines Norte, Lagonoy Camarines Sur at Calapan City Oriental Mindoro.
Ang mga ito ay nananatili na ngayon sa mga evacuation centers at binibigyan ng tulong ng DSWD sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods.
Sa opisyal na bilang ng NDRRMC nag-iwan ng tatlong patay ang bagyong Ramil.
Ang mga ito ay namatay sa landslide matapos matabunan ng gumuhong bato habang nagbabakasyon sa isang beach sa Batangas.
Muli naman nanawagan si NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan sa publiko na palaging maging handa sa panahon ng bagyo at tag-ulan sa bansa.