Mahigit 300 indibidwal sa Negros Occidental, inilikas dahil sa Super Typhoon Egay

Umabot sa 348 na indibidwal o katumbas ng 96 na pamilya ang pinalikas at nananatili ngayon sa 5 evacuation centers sa Negros Occidental dulot ng Super Typhoon Egay.

Batay ito sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga.

Habang higit 2 billion pesos naman ang standby funds mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Office of Civil Defense (OCD) na nakalaan para sa food at non-food items kung sakaling kailanganin.


Ayon pa sa NDRRMC, nag-deploy na rin ng 16 na search, rescue and retrieval team sa MIMAROPA, CALABARZON at Cordillera Administrative Region (CAR) at 15,209 ang ipinakalat mula sa panig ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG) upang umagapay sa mga maaapektuhang residente ng Super Typhoon Egay.

Facebook Comments