Mahigit 300 komunista sumuko sa Masbate sa araw ng anibersaryo ng CPP kahapon

Sumuko ang 306 na mga komunista at kanilang supporters sa gobyerno sa Masbate sa mismong araw ng ika-51 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon.

Ang mga ito ay 47 regular NPA members, 150 Milisyang Bayan (MB) members, 51 Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) officers and members at 58 supporters.

Kasamang isinuko ng mga nagbalik loob ang 49 na mga armas at tatlong Improvised Explosive Devices (IEDs).


Ayon kay Lt. Col. Napoleon Pabon Commanding Officer ng 2nd Infantry Battalion, na responsibilidad ng pamahalaan na siguruhin na matatanggap ng mga nagsisuko ang mga benepisyong ipinangako sa kanila tulad ng pabahay at tulong pangkabuhayan.

Ang pagsuko aniya ng mga ito ay patunay na epektibo ang mga pangkapayapaang hakbang na isinusulong ng pamahalaan.

Hinikayat naman ng militar ang iba pang miyembro ng komunistang grupo na sumuko na pamahalaan at makapagbagong buhay.

Facebook Comments