Mahigit 300-M na tulong pinansiyal, naipamigay na sa mga pamilyang apektado ng granular lockdown dahil sa COVID-19

Nakapagpamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng aabot sa higit P386 million na pinansiyal na tulong ang sa mga pamilya na apektado ng granular lockdown dahil sa COVID-19.

Ito’y batay sa huling datos ng implementasyon ng emergency subsidy sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Hanggang Enero 24, may 73,309 na pamilya na ang naabutan ng tulong pinansiyal ng pamahalaan.


Ayon sa DSWD, bukod pa ito sa P2.6 billion na naipamahagi sa 403,427 na karagdagang benepisyaryo.

Facebook Comments