MAHIGIT 300 MAGSASAKA, NABIGYAN NG FARM SUPPLIES

CAUAYAN CITY – Nabenipisyuhan ang mahigit 300 magsasaka sa isinagawang Agri-Fishery Information and Enterprise caravan ng Provincial local government unit ng Nueva Vizcaya.

Sa aktibidad na ito, nakatanggap ang mga magsasaka ng iba’t ibang farm supplies gaya ng seedlings, pesticides, at insecticides, habang 1,000 fingerlings naman ang ibinigay para sa mga mangingisda na may fishpond.

Ayon kay Provincial Agriculturist Absalom Rizal Baysa, layunin nitong mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga benepisyaryo tungkol sa modernong teknolohiya, market trends, tulong pinansyal, at iba’t-ibang serbisyo’t programa ng kanilang opisina.


Dagdag pa nito na ang mga kaalamang maibabahagi para sa mga magsasaka ay makatutulong upang sila ay magkaroon ng mas maayos at mabuting produksyon ng kanilang kabuhayan.

Facebook Comments