Mahigit 300 mga Pinoy mula sa Lebanon, nakatakdang umuwi ng Pilipinas

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na mahigit 300 pang mga Pinoy sa Lebanon ang nakatakda na ring umuwi ng Pilipinas.

Sa harap ito ng patuloy na pambobomba ng Israel sa Lebanon.

Ayon sa DMW, 120 sa mga ito ang mayroon nang ticket sa eroplano pabalik ng bansa.


166 naman na OFWs sa Lebanon ang nasa shelter ngayon at naghihintay na rin ng kanilang flights.

Patuloy naman ang pagproseso ng Philippine Embassy sa Beirut ng exit clearance at iba pang travel documents ng mga ililikas na Pinoy.

Facebook Comments