Mahigit 300 na mga construction worker sa Taguig City, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng pamahalaan lokal ng lungsod ng Taguig na mayroong mga construction woker sa isang construction site sa kanilang lungsod ang tinamaan ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).

Batay sa kanilang tala, sa 741 na manggagawa ng construction site, 691 na ang naisailalim sa test, kung saan 308 sa kanila ang positibo sa sakit.

Ito’y matapos magsagawa ng massive testing ang Taguig City government sa isang construction site sa Brgy. Fort Bonifacio.


Maliban sa Brgy. Fort Bonifacio, sumailalim din sa nasabing testing ang 2,104 na mga indibidwal ng Purok 5 at 6 ng Brgy. Lower Bicutan, kung saan 111 naman ang nagpositibo.

Ayon sa Safe City Task Force ng Taguig City, ang mga positibong kaso sa dalawang nabanggit na barangay ang sanhi sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lunsod nitong nakaraang araw.

Tiniyak naman ng task force na naka-isolate na sa government quarantine facilities ang mga pasyente at nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga taong kanilang nakahalubilo.

Facebook Comments