Mahigit 300 pasok sa eskwela at trabaho sa ilang rehiyon sa bansa, nananatiling suspendido dahil sa epekto ng Bagyong Julian

Nasa 253 klase sa ilang rehiyon sa bansa ang nananatiling suspendido dahil parin sa epekto ng sama ng panahon.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamaraming class suspensions ang naitala sa Region 2 na umabot sa 93 na sinundan ng CAR na may 77 class suspensions, Region 1 na may 54, 24 mula sa Region 3 at 5 class suspensions sa CALABARZON.

Karamihan kasi sa mga paaralang ito ay nagsisilbing evacuation center na pansamantalang tinutuluyan ng mga bakwit.


Samantala, 108 namang work suspensions ang naitala ng NDRRMC sa Regions 1, 2 at CAR.

Sa pinakahuling tala ng NDRRMC sumampa na sa 22,645 na mga pamilya o katumbas ng mahigit 77,000 indibidwal ang apektado ng Bagyong Julian kung saan ang Region 1 o Ilocos Region ang pinaka-napuruhan.

Facebook Comments