Mahigit 300 pulis, ide-deploy sa Navotas dahil sa ipapatupad na lockdown

Ipapakalat ng Joint Task Force (JTF) COVID-19 Shield ang 348 na mga pulis sa lungsod ng Navotas.

Ito ay dahil sa nakatakdang lockdown simula bukas (July 15), dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Ayon kay Joint Task Force COVID 19 Shield Commander PLt.Gen. Guillermo Eleazar, nakipagpulong na sila kay Navotas City Mayor Toby Tiangco at tinalakay ang mga gagawing hakbang sa panahon ng lockdown sa loob ng dalawang linggo.


Ang mga idedeploy sa Navotas ay ang tropa mula sa Special Action Force (SAF) at Joint Task Force National Capital Region ng Armed Forces of the Philippines.

Bukod sa SAF, ide-deploy din sa lungsod ang mga tropa mula sa Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at PNP Maritime Group.

Batay sa datos, nakapagtala na ng 1000 kaso ng COVID-19 sa Navotas City, mahigit kalahati nito ay active cases, habang 59 na ang namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments