Mahigit 300 pulis, ililipat muna ng pwesto ngayong halalan

Ililipat muna ng assignment ang nasa 327 na mga pulis na may mga kamag-anak na tatakbo sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PCol. Jean Fajardo, layon nitong maiwasan na makaimpluwensya sa resulta ng eleksyon.

Aniya, nagsagawa sila ng survey sa PNP at dito lumabas ang pangalan ng 327 na mga pulis.


Sakop ng unit reassignment ang 4th degree consanguinity o hanggang pinsang buo ng mga pulis.

Una nang sinabi ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda na dapat hindi masasangkot sa “partisan politics” ang mga tauhan ng Pambansang Pulisya.

Facebook Comments