Mahigit 300 search, rescue & retrieval teams ng AFP NOLCOM, idineploy sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Egay

Mabilis na pintakilos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command (NOLCOM) ang 350 Search, Rescue and Retrieval (SRR) Teams upang tulungan ang mga komunidad na naapektuhan ng pananalasa ang Bagyong Egay.

Kabilang sa idineploy ang 1,992 highly-trained SRR personnel, 813 Civilian Active Auxiliary, at 197 reservists sa area of responsibility ng NOLCOM.

Ginamit nila ang essential assets ng NOLCOM tulad ng 158 mobility assets, 27 naval assets, at dalawang air assets para magsagawa ng Search, Rescue, and Retrieval operations.


Ayon kay AFP NOLCOM commander Lieutenant General Fernyl Buca, puspusan ang pagsisikap nilang makapagbigay ng tulong sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.

Nakikipagtulungan na aniya ang disaster response units ng NOLCOM sa lokal na awtoridad upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga apektadong residente.

Facebook Comments