Mahigit 300, sumailalim sa Rapid Diagnostic Test sa Antipolo City

Inihayag ni Antipolo City Mayor Andeng Ynares na may karagdagang 303 mga residente ang sumailalim sa Rapid Diagnostic Test ngayon araw kung saan 26 naman sa kanila ang kinunan ng SWAB collection para sa RT-PCR based test.

Ayon kay Mayor Ynares, mayroong anim na pamamaraan ng mga sasailalim ng testing sa mga susunod na araw, kung saan narito ang mga hakbangin sa Mass Testing na isinasagawa ng Antipolo City Government.

Paliwanag ng alkalde una o ang tinatawag na Station 1: Triage, kung saan tsine-check ang recent travel history, kung may sintomas at kung may exposure o close contact sa taong nagpositibo sa COVID-19; ihihiwalay ang mga may sintomas sa wala.


Station 2: Orientation – papanoorin muna ng maiksing audio-visual presentation tungkol sa COVID-19 at kung ano ang mass testing procedure na kanilang pagdadaanan;

Station 3: Rapid Diagnostic Testing – para sa mga meron at walang sintomas, kukunan ng dugo na ilalagay sa anti-body test media;

Station 4. Releasing of result and counselling – sa tulong at gabay ng mga health professionals, ipapaliwanag sa bawat tao ang naging resulta ng rapid test;

Station 5. Swab collection – para sa mga magpopositibo sa rapid testing, sila ay kukunan ng specimen (nasopharyngeal swab collection) para kumpirmahin ang resulta ng rapid test gamit ang gold standard na RT-PCR test na aabot ng dalawang hanggang tatlong (2-3) araw; para sa mga symptomatic, anuman ang resulta nga kanilang rapid diagnostic test, sila ay kailangan pa rin sumailalim sa PCR-based test;

Station 6: Quarantine – habang hinihintay na lumabas ang resulta, mag-quarantine muna sa  mga partner hotels, resorts at isolation facilities.

Facebook Comments