Umabot sa mahigit tatlong daang transaksyong medikal ang naitala ng Rural Health Unit (RHU) ng San Quintin noong Lunes, Enero 5, sa unang araw ng linggo sa bagong taon.
Kabilang sa mga serbisyong naibigay ang konsultasyon sa mga pasyente, medical laboratory services, prenatal at postnatal check-up, TB-DOTS Program, Expanded Program on Immunization, Mental Health Program, Family Planning Program, at Animal Bite Treatment Center.
Nagproseso rin ang RHU ng health at sanitary permits at tumugon sa mga pangangailangan ng ambulance transport.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang talaan ng RHU sa patuloy na pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng San Quintin.
Facebook Comments










