Mahigit 3,000 ang bagong gumaling sa COVID-19

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 3,224 na gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,686,692 ang kabuuang COVID-19 recoveries sa bansa.

Nasa 4,043 ang karagdagang kaso kaya pumalo na sa 2,771,943 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit.


Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, 1.8% o 50,630 ang aktibong kaso ngayon sa bansa.

44 naman ang pumanaw kaya umabot na sa 42,621 ang kabuuang COVID-19 related deaths.

Facebook Comments