Mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw

Aabot lamang sa 3,694 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), pumalo na sa 2,772,491 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa kung saan 49,835 ang aktibong kaso.

Umakyat naman sa 2,680,081 ang mga gumaling matapos madagdagan ng 3,934 na recoveries.


Nasa 227 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 42,575 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Facebook Comments