Mahigit 3,000 illegal aliens, naipa-deport ng Bureau of Immigration noong 2020

Umabot sa 3,219 na mga dayuhan ang nai-deport ng Bureau of Immigration (BI) sa nakalipas na taong 2020.

Pinakamarami sa mga na-deport ay pawang mga Chinese na umaabot sa 3,009.

Sumunod ay Vietnamese aliens na umabot sa 60 habang 25 ang American nationals, 20 Japanese, 12 Indians at 5 ang Pakistanis.


Ang mga na-deport na dayuhan ay awtomatiko na rin na makakasama sa blacklist at hindi na papayagang makabalik ng Pilipinas.

Karamihan sa mga deportees ay walang kaukulang mga working permit, ang iba ay nasangkot sa iligal na online gaming operations, telecom fraud, economic crimes at cybercrimes activities.

Facebook Comments