Mahigit 3,000 kalahok sa WHO Solidarity Trial, nabigyan na ng first dose ng COVID-19

Aabot sa 3,040 na kalahok sa World Health Organization (WHO) Solidarity Trial para sa COVID-19 vaccine ang nabigyan na nang first dose.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña, nasa 705 kalahok naman ang nakakaumpleto na ng dalawang dose ng bakuna.

Kabilang aniya sa trial sites ay ang Philippine General Hospital (PGH), Lung Center of the Philippines (LCP), at ang Makati Medical Center (MMC).


Sinabi naman ni Dela Peña na patuloy ang kanilang recruitment sa mga nais lumahok sa nasabing clinical trial.

Maliban sa Pilipinas, nagsasagawa rin ng WHO Solidarity Trial para sa COVID-19 vaccine ang bansang Columbia at Mali.

Facebook Comments