Nadagdagan ng 3,117 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.
Ito ay mas mababa kaysa sa naitala ng Department of Health (DOH) na 3,410 na kaso kahapon.
Dahil dito, pumalo na sa 2,790,375 ang kabuuang COVID cases sa bansa kung saan nasa 43,185 ang aktibong kaso.
Umabot sa 2,703,914 ang mga gumaling matapos madagdagan ng 5,124 recoveries.
Nasa 104 naman ang nadadag sa mga nasawi kaya’t umakyat na sa 43,276 ang COVID related deaths.
Ayon sa DOH, mayroong apat na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Facebook Comments