*Cauayan City, Isabela*- Nanumpa na kahapon ang may mahigit sa tatlong libong mga bagong Guro mula sa Elementarya at Sekondarya sa Lambak ng Cagayan na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya sa Cagayan State University Andrews Campus sa Lungsod ng Tuguegarao.
Pinangunahan ito ni Board for Professional Vice Chairperson Dr. Paz Lucido, ng Philippine Regulation Commission Central Office.
Ayon kay Dr. Lucido, ang naturang kurso ng Pagtuturo ang may pinakamaraming bilang na kumukuha nito sa mga paaralan.
Aniya, labis itong natutuwa dahil may mga panibagong guro ang higit na magbibigay ng dagdag kaalaman sa mga mag aaral na higit na kailangan ng DepED at CHED.
Samantala, pinarangalan bilang Top 4 Nationwide ang Philippine Normal University-North Luzon dahil sa may pinakamaraming bilang ng mga nakapasa sa naturang pagsusulit.
Bakas naman sa mukha ng mga bagong guro ang tuwa dahil sa kabila ng ilang taong sakripisyo ay tuluyan na ngang natumbas ang kanilang paghihirap.