Mahigit 3,000 Pilipino at amerikanong sundalo, lalahok sa Salaknib Joint Military Exercises

Umaabot sa mahigit 3,000 tauhan ng Philippine Army (PA) at US Army Pacific ang lalahok sa 2023 Salaknib Joint military exercise.

Ito ang sinabi ni Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad kasabay ng pag-anunsyo ng pagdaraos ng final planning conference ng ehersisyo para sa susunod na taon.

Ang isang linggong planning conference ay nagsimula nitong Lunes.


Ayon kay Philippine Army Deputy Assistant Chief of Staff for Education and Training, Col. Emmanuel Cabasan, isasapinal na sa pulong ang kabuuang konsepto ng operasyon, schedule ng mga aktibidad, imbentaryo ng mga tropa at kagamitan na isasali at lahat ng iba pang pangangailangan.

Una nang sinabi ni Philippine Army Commanding General Lt. General Romeo Brawner Jr., na ang taunang pagsasanay ay patunay ng matatag na relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos na layuning panatilihin ang isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region.

Facebook Comments