NABAKUNAHAN na ng COVID-19 Vaccine ang mahigit 3,000 na senior citizen sa lungsod ng Dagupan sa nagpapatuloy na vaccination roll out.
Sa datos ng City Health office, 14, 099 na ang nabakunahan sa buong lungsod, 6, 568 dito ang frontliners na nabakunahan ng kanilang unang dose ng COVID-19 Vaccine, 3, 070 naman ang naturukan ng unang dose sa mga senior citizen.
Nasimulan na rin ang pagbabakuna sa mga A3 group priority list o adult with comorbidities kung saan 357 na indibidwal ang nabakunahan.
Fully vaccinated na rin ang 4, 104 na Dagupeño matapos mabigyan ang mga ito ng kanilang second dose ng covid-19 Vaccine.
Ang mga ito ay mabibigyan ng vaccination card kung saan maaaring gamitin sa mga paliparan, pagpapacheck up at iba pa.
Samantala, nasa 1,536 na ang kabuuang kaso ng covid-19 sa Dagupan City, 81 ang aktibong kaso.