
Pumalo sa mahigit 30,000 ang mga nagpatala sa unang araw ng voter registration ng Commission on Elections (Comelec) kahapon.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, may 31,899 na bagong botanteng nagparehistro mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pinakamarami sa CALABARZON na may mahigit 8,000 na nagpa-register.
Pero sabi ni Garcia, hindi pa kasama rito ang sa National Capital Region (NCR) at ang mga nagpatala sa Special Register Anywhere Program (SRAP).
Hanggang mamayang hapon ang SRAP sa Luneta Park, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) habang magtutuloy-tuloy naman ang voter registration hanggang sa May 18, 2026.
Facebook Comments










