Tinatayang mahigit 30,000 katao ang dumalo sa mga sementeryo sa Mangaldan, Pangasinan noong Nobyembre 1.
Ayon sa tala ng Mangaldan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa dami ng mga bisita ay may isang naiulat na nawawalang bata, limang taong gulang na taga-Urdaneta City, na agad namang naibalik sa kanyang tiyahin.
Sa kabila nito, mas pinaigting pa rin ng MDRRMO, PNP Mangaldan, at Municipal Health Office ang pagbabantay at pagsiguro ng kaayusan sa paligid ng mga sementeryo.
Samantala, nagbigay rin ng libreng sakay para sa mga PWD at senior citizens at libreng patubig para sa ilang bumisita sa kasagsagan ng Undas.
Facebook Comments









