Sa pamamagitan ng Humanitarian and Development Assistance Program (HDAP), flagship initiative ng ARMM government sa ilalim ng administrasyon ni Governor Mujiv Hataman, naabot ng Department of Education-ARMM ang 35,000 mag-aaral na nasa onflict-affected areas sa probinsya ng Maguindanao, abot naman sa 52 ang iskolar ang nakabenipisyo sa College Financial Assistance Project ng Commission on Higher Education.
Pakay ng programa na makalikha ng matatag at sustainable communities sa buong rehiyon.
Sinabi ni DepEd-ARMM special events director Taya Aplal, 31 eskwelahan sa loob ng Maguidnanao ang naapektohan ng mga nakaraang kaguluhan bunsod ng military operations na inilunsad laban sa lawless elements matapos ang Mamasapano incident noong 2015, ang naturang mga paaralan ay idineklara bilang ‘Salam’ schools o Zones of Peace.
Sa kasalukuyan, nakapag-organisa at nakapagsagawa ang DepEd-ng psycho-social support services at psychological first-aid sa 31 eskwelahan upang tugunan ang naranasang “stress” ng mga mag-aaral at guro.
Ang kagawaran ay nagsasagawa din ng Supplementary feeding at namamahagi ng school materials sa ilalim ng Support Services Education Recovery Program nito.
Mahigit 30,000 mag-aaral sa conflict-affected areas sa Maguindanao, naabot ng DEpEd-ARMM!
Facebook Comments