Mahigit 30,000 mga pasahero nagsisipag-uwian ngayong Pasko

Pumalo na sa 34,403 na mga pasahero ang nagsisipagbakasyon sa kani-kanilang probinsiya upang doon magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

Base sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: #Pasko2018 simula alas sais ng gabi kahapon hanggang alas dose ng hating gabi kanina umakyat na sa 34,403 ang mga pasaherong nagsisipag-uwian sa kani-kanilang mga lalawigan.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo sa National Capital Region-Central Luzon umaabot sa 2,051 na mga pasahero ang nagsisipag-uwian, sa Central Visayas ay umaabot sa 7,867 sa Southwestern Mindanao ay 2,624 sa Palawan ay 153 sa Southern Tagalog ay 971 habang sa Western Visayas ay 4,795 sa South Eastern Mindanao ay 5,742 habang sa Bicol ay 1,147 sa Northern Mindanao ay 4,996 habang sa Eastern sa Southern Visayas ay pumapalo sa 1,658.


Kabilang dito ang Negros Oriental na umaabot sa 606 habang sa Negros Occidental ay 1,052 na mga pasahero ang nagbabakasyon.

Paliwanag ni Balilo mas marami ngayong Pasko ang nagsisipag-uwian kumpara noong nakalipas na araw dahil na rin sa mayroon pa silang mga pasok sa trabaho.

Hinimok din ni Balilo ang publiko na maging mapagbantay sa kani-kanilang mga lugar at agad na i-report sa mga otoridad kung mayroon silang napapansing mayroong kahina-hinalang kilos upang agad na mabigyan ng kaukulang aksyon.

Facebook Comments