Umabot sa 301,000 indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Batay ito sa monitoring ng Philippine National Police (PNP).
Sa ulat ng PNP, ang mga apektadong pamilya ay tumutuloy ngayon sa 13,526 evacuation centers sa iba’t ibang rehiyon na matinding sinalanta ng bagyo.
Nakapag-rescue naman ang PNP ng 806 na indibidwal sa Luzon matapos na bahain.
Sa kasalukuyan, patuloy na naka-monitor si PNP Chief General Debold Sinas sa sitwasyon sa mga rehiyon na apektado ng bagyo.
Kaninang alas-10:00 ng umaga, halos 6,000 ng PNP personnel ang ideneploy para sa disaster response operations nang sa ganoon ay makatulong sa mga apektadong indibidwal.
Bukod dito, mayroon pang mahigit 20,000 reserve contingent ang PNP na mula sa Reactionary Standby Support Force and Search at Rescue Units.
May mga pulis din na nagbabantay sa mga evacuation centers.
Sa ngayon batay pa sa monitoring ng PNP Command Centers, mayroong 411 na lugar ang baha pa rin, 519 areas ang walang kuryente at 104 areas ang walang telecommunication service sa mga rehiyon na lubhang apektado ng bagyo.