Mahigit 300,000 indibidwal apektado ng shearline sa Davao Region

Lomobo pa sa 83,174 pamilya o katumbas ng 349,236 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon bunsod ng shear line sa Davao Region.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council, ang mga apektadong indibidwal ay mula sa 226 na brgy sa Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao Oriental at Davao del Sur.

Sa nasabing bilang, halos 12,000 katao ang nasa evacuation centers habang ang mahigit 3,000 indibidwal ay piniling makituloy muna sa kanilang mga kamag anak o piniling manatili sa kani-kanilang tahanan.


Sa ngayon, nananatiling baha ang 89 na mga lugar sa Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Oriental.

Nanatiling 7 ang inisyal na nasawi dahil sa sama ng panahon habang 3 naman ang naitalang sugatan.

Facebook Comments