Mahigit 300,000 mga manggagawa, posibleng mawalan ng trabaho dahil sa online selling

Kinalampag ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ang Department of Trade and Industry (DTI).

Ito ay para agad aksyunan at bigyan ng proteksyon ang mahigit 300,000 manggagawa na nanganganib na mawalan ng trabaho.

Babala ito ni Tulfo kung patuloy na malulugi ang mga local manufacturer sa bansa dahil sa pagsulpot ng mga online selling kung saan ibinebenta ang mga produkto na galing sa China ng walang kaukulang mga papales o hindi dumaan sa regulasyon ng pamahalaan.


Sinabi ito ni Tulfo, sa pagdinig ng House Committee on Trade and Industry ukol sa unfair na bentahan ng mga produkto mula sa ibang bansa gamit ang iba’t ibang online platforms.

Iginiit naman ng DTI, na patuloy silang nagsisikap na mapigil ang pagpasok sa bansa ng mga imported na produkto na hindi dumadaan sa kanilang ahensya.

Facebook Comments