Dumating na sa bansa ang karagdagang 301,860 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na donasyon ng Estados Unidos sa pamamagitan ng COVAX at World Health Organization (WHO).
Lumapag ito kagabi sa NAIA terminal 3 sakay ng Air Hong Kong flight.
Pinangunahan ni National Task Force Against COVID-10 Sub-Task Group chief assistant secretary Wilben Mayor ang pagdating ng mga bakuna na pinasalamatan ang US dahil sa donasyon.
Sa ngayon, umabot na sa 123.5 million COVID-19 vaccines ang dumating sa Pilipinas.
Facebook Comments