Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nasa 32,690 o katumbas ng 121,545 ang bilang ng mga pamilya ang naapektuhan ni Bagyong Odette sa ilang rehiyon sa bansa .
Sa ulat ng DSWD, ang mga pamilyang sinalanta ay mula sa 453 barangays sa Regions 5-6-8-9-11, CARAGA at MIMAROPA.
Base sa datos ng DSWD, 22,260 pamilya o 88,156 individuals ay kasalukuyang nasa 674 evacuation centers habang ang 1,682 pamilya o 6,056 katao ay nakikitira sa kanilang mga kaanak at kaibigan.
Sa ngayon, nanatili pa ring nakataas ang red alert status ng DSWD-Disaster Respond Management Bureau at nakatututok sa mga field offices para sa disaster responds updates.
Facebook Comments