Sa layuning matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga estudyante at guro ngayong pagbubukas ng klase, nagpakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 32,706 na mga tauhan.
Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., nakaalerto ang buong hanay ng PNP upang maiwasan ang mga krimen na maaaring gawin ng mga kawatan.
Ani Acorda, mayroon silang 6,159 Police Assistance Desks sa mga stratehikong lugar sa bansa na handang tumugon sa pangangailangan ng mga estudyante, magulang at mga guro saka-sakaling may emergency.
Kasunod nito, hinikayat ni Acorda ang lahat na makipag-ugnayan sa mga awtoridad at mag-report ng mga kahinahinalang aktibidad.
Sa pamamagitan kasi aniya nito ay agad na makakaresponde ang PNP daan sa mapayapang pagbabalik-eskwela.
Facebook Comments