Umabot na sa 327,651 violators ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa gitna ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Naganap ito mula August 21 hanggang September 15.
Batay sa datos, 224,626 ang nahuling lumabag sa minimum public health standards; 87,729 ang lumabag sa curfew; at 15,296 ang mga hindi awtorisadong lumabas ng kanilang tahanan.
Kada araw, nasa 12,602 violators ang naitatala ng PNP.
Patuloy naman ang pagpapaalala ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar sa publiko na sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19.
Facebook Comments