Umabot na sa 34,000 kabataang edad 12 hanggang 17 na may comorbidities ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, 36 sa naturang bilang ang nakaranas ng reaksyon sa bakuna kung saan tatlo ang seryosong kondisyon.
Kailangang turukan ang tatlo ng oxygen na agad namang bumubuti ang kalagayan makalipas ang isa hanggang dalawang araw.
Sa Nobyembre 5, sisimulan na rin ang pagbabakuna sa ibang pang kasama sa age group na walang comorbidities.
Sa kabuuan, mahigit 12 milyon ang target mabakunahan kontra COVID-19 sa bansa kung saan paliwanag ni Cabotaje, target nilang mabakunahan ang 70% nito sa pagtatapos ng 2021.
Sa ngayon, hihintayin muna ng DOH ang resulta ng pag-aaral sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga edad 11 pababa.
Sinimulan na ang pag-aaral na ito sa Amerika kung saan mababang doses ng bakuna ang ibinibigay sa mga edad 11 pababa.