Friday, February 13, 2026

Mahigit 36 na milyong piso ng hinihinalang shabu, narekober sa isang parcel sa pasilidad ng NAIA cargo

Narekober ng mga personnel ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang mahigit 36 na milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa loob ng mga abandonadong parcel sa On Board Courier (OBC) Area,NAIA Complex, Pasay City.

Ayon sa ulat habang nagsasagawa ng cargo screening , nadiskubre ng mga otoridad ang tatlong inbound na parcel na may laman na 5,424 na gramo ng hinihinalang shabu.

Sa inisyal na dokumentasyon , nakita na ang mga nasabing parcel ay nakapangalan sa tatlong tao na ngayon ay iniuugnay sa pagtatangkang pagbyahe ng mga nasabing kontrabado.

Kung saan ito ay may kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaugnay nito, ang mga nasabing consigneed ay kasalukuyang binavalidate at iniimbestigahan para malaman kung may mas malawak pang network sa likod ng nasabing illegal shipment.

Samantala, ang mga nakuhang kontrabando ay agad na tinurn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Headquarters para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments